We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

WatEber

by WatEber

/
  • Streaming + Download

    Purchasable with gift card

     

1.
AKLMK [Alam Ko Lang Mahal Kita] Anong nangyari sa atin? Pintig ng puso ko'y hindi na kayang pigilin Hanggang saan? Hanggang kailan? Bakit patuloy kong pinagtitiisan? Napapagod, pero di parin sumusuko Anong nangyari? Bakit namanhid na ako ng husto? Kahit paulit-ulit kitang yakapin Alam kong siya parin Ang paulit-ulit mong hahanapin Kahit paulit-ulit kong iwasan Ang sakit di ko na maramdaman Ang Alam Ko Lang Mahal Kita Bakit kaya kailangan ko 'tong pag daanan? Mas martyr pa ako kesa sa kontrabida sa pelikula Pwede namang lumayo, pero bakit di makatakbo? Gusto kong iwasan ka, pero bakit di ko magawa Napapagod, pero di parin sumusuko Anong nangyari? Bakit namanhid na ako ng husto? Kahit paulit-ulit kitang yakapin Alam kong siya parin Ang paulit-ulit mong hahanapin Kahit paulit-ulit kong iwasan Ang sakit di ko na maramdaman Ang Alam Ko Lang Mahal Kita Ang Alam Ko Lang Mahal Kita
2.
Ngek Bigla nanamang napatingin sayo Ayoko na ng ganito nahuhulog nanaman ako Simpleng tingin, konteng ngiti Agad napapapikit, sinasabing sana ikaw ay akin ngunit Paano dadalhin ang walang labang damdamin? Kung nakabaon kana sa isip At sa puso'y nakalibing Mananahimik na lang Kahit na nasasaktan Itatago ko na lang, ayokong masira ang samahan Mananahimik na lang At di na uulitin pang Sabihin sayo ang walang pag-asang nararamdaman Maniniwala na lang sa'yong sinabing Mas magandang ganito mag-kaibigan lang tyo Di na kita kukulitin Walang ibang magagawa kundi ang kumanta't magpalipad hangin Paano dadalhin ang walang labang damdamin? Kung nakabaon kana sa isip At sa puso'y nakalibing Mananahimik na lang Kahit na nasasaktan Itatago ko na lang, ayokong masira ang samahan Mananahimik na lang At di na uulitin pang Sabihin sayo ang walang pag-asang nararamdaman Di magpapahalata At di na tititig sayong mata Di rin ipapakita ang pagtulo ng luha Pipiliting makihalubilo kahit na mababaliw na ako Di magsasabi kahit kanino Ayoko na manggulo Mananahimik na lang Kahit na nasasaktan Itatago ko na lang, ayokong masira ang samahan Mananahimik na lang At di na uulitin pang Sabihin sayo ang walang pag-asang nararamdaman
3.
Kahit Na Iniisip mo siya Ikaw kaya iniisip din niya? Mahal mo siya Ikaw kaya mahalin din niya? Wag ng mag manhid manhiran Utak gamitin paminsan-minsan Wag puro puso lang Tanggapin mo na lang Kahit na Gawin mo lahat para sa kanya Balewala Kung di naman ikaw ang kelangan niya Oo na di masamang mahalin mo siya Pero sana naman ang iyong sarili Wag din kalimutan Napasaya mo siya Ikaw naman ba ay sumaya? Binigay mo lahat Ang bumalik ba sayo ay sapat? Wag ng mag manhid manhiran Utak gamitin paminsan-minsan Wag puro puso lang Tanggapin mo na lang Kahit na Gawin mo lahat para sa kanya Balewala Kung di naman ikaw ang kelangan niya Oo na di masamang mahalin mo siya Pero sana naman ang iyong sarili Wag din kalimutan Ang hirap pa lang payuhan ng sarili Maniniwala parin sa imposible Bakit naghihintay parin? Ayokong ika'y mawala Di ka naman sakin Kahit na Gawin mo lahat para sa kanya Balewala Kung di naman ikaw ang kelangan niya Oo na di masamang mahalin mo siya Pero sana naman ang iyong sarili Wag din kalimutan

credits

released March 21, 2015

@LittleHideOutProductions
@TheWatchingRecords

license

all rights reserved

tags

about

WatEber MIMAROPA, Philippines

contact / help

Contact WatEber

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like WatEber, you may also like: